Batang San Mateo, Rizal, Philippines
Linking and Reuniting all San Mateo, Rizal residents worldwide

Theme Song of our Organization

Verse 1

Sa paglipas ng panahon, malayo na ang kahapon.

Mga musmos na ala-ala, ang syang laging dala.

Sa pag-ikot ng mundo, umuusad, umaasenso.

San Mateo, ito ang bayan ko.

Pre-Chorus 1

Ingay ng lansangan, busina ng sasakyan.

yellow bus, patok na jeep, sikat ka pag nakasabit

Mga lugar ay nami-missed, at sa skwelahang sumabit.

bayan kinalakihan, dito kami'y...

Chorus

Mga Batang San Mateo, Rizaleņo to!

nasanay na sa bayan ko.

Hindi maitatanggi, hindi maikukubli.

kami ay Batang San Mateo, laki sa bayang to.

Verse 2

Tawag ng barkada hanggang ngayo'y rinig ko pa.

Saan na nga ba ang iba? sa ibang bansa't asenso na.

Mga crush mo nung una, sorry may asawa na.

Pagsasamahang nagsimula sa skwela.

Pre-Chorus 2

Naalala mo pa ba si NGITI na litratista?

Naalala mo pa ba walang bubong na plaza?

Vintage na municipyo, ngayo'y daig pang bonggalo

Bayang kinalakihan, dito kami'y...

--- Repeat Chorus ----

 

Pre-Chorus 3

Saan man mapunta, malayo man na milya-milya.

hahanap-hanapin ka, at ang lahat ng ala-ala.

kay dami daming mga bagay, dito na nagisnan.

Sa Bayang kinalakihan. Dito kami'y...

--- Repeat Chorus ---- (2 X)

July 13, 2008:  This is an original song composed, arranged and sang by Mr. Joselito L. Lema, a proud Batang San Mateo member.  To download The Theme Song of Batang San Mateo, please right-click and choose "Save Target As"

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W XYZ

Overseas